NOBELA
NUÑEZ, JAN HAROLD V.
PAGSUSURI SA NOBELA BANAAG AT SIKAT
November 16, 2022
BANAAG AT SIKAT
A. KAHULUGAN NG PAMAGAT
Ang salin sa Ingles na“Banaag at Sikat”ay kumakatawan sa katagang“mulasa maagang pagbubukang-liwayway hanggang sa ganap na pagkalat ngliwanag ng araw.”Sa Ingles“From Early Dawn to Full Light”at tinagurianitong"Bibliya ng mga manggagawang pilipino"sapagkat ang mganararanasan ng mga tauhan dito ay siya ring nararanasan ng mga taong bayan.Sa nobelang“Banaag at Sikat,”angBanaagay nangangahulugang“Glimps o“Silip”samantalang angsikatnaman ay nangangahulugang“liwanag.”
B. MAY AKDA
LOPE K. SANTOS -Siya ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyangkapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bukod sa pagiging manunulat, isarin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng PambansangWika at Balarila" ng Pilipinas.Sa larangan ng panitikan,ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal -bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco,na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titikna K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan. Nagingdalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula namaihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong1900,nagsimula siyangmaglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katuladng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahingSampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa.Kabilang sa mgakatawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Amang Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sakaraniwang palayaw na Mang Openg.
II. BUOD NG NOBELA
BUOD
Hinggil sa mga buhay ng magkaibigang Delfin at Felipe ang nobelang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos:
Si Delfin ay isang sosyalista, samantalang si Felipe ay isang anarkista. Bilang sosyalista, naniniwala at hinahangad ni Delfin na mapalaganap ang kaisipang sosyalismo sa lipunan, kung saan ang mga mamamayan ang may higit na karapatan sa lahat ng mga gawaing pangangalakal, mga pag-aari, at mga pagawaing pambansa. Bagaman isang mahirap na nag-aaral ng abogasya at nagtatrabaho bilang manunulat sa isang pahayagan, matindi ang paniniwala ni Delfin na matatamo lamang ang isang lipunang makamaralita sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan, isang pakikibakang hindi nababahiran ng pagdanak ng dugo.
Si Felipe naman - na may adhikaing anarkismo - ay naniniwala sa marahas na pagbuwag sa mga namamayaning kapangyarian at kalupitan ng mga mayayamang may-lupa. Ibig niyang pawiin ang mga abusadong maykapangyarihan na naghahari sa lipunan. Bagaman anak ng isang mayamang pinuno ng isang bayan, kinamumuhinan ni Felipe ang mga gawi at karahasan ng kaniyang ama. Mas mamarapatin niyang magkaroon ng pagkakapantay ang lahat ng uri ng mga mamamayan: walang pagkakaiba ang mga mahihirap at ang mga mayayaman.
III. PAGSUSURI
A. ISTILO NG PAGLALAHAD
A. ISTILO NG PAGLALAHAD
Ipinapakita sa nobelang ito ang bawat pamumuhay ng bawat mga tauhan, inilalarawan ang pamumuhay maging ang narating na buhay nito katulad ng kalupitan ni Don Ramon na napatay dahil sa Kanyang kalupitan.
B. TAYUTAY NA GINAMIT (Synecdoche)
ito ay nagbabaggit saisang bahagi o konsepto ng kaisipanupang tukuyin ang kabuuan. Maaaririn na ang kabuuan ay katapat ngisang bahagi.
C. PANSIN AT PUNA
MGA TAUHAN: • DELFIN – siya ang pangunahing tauhan ng akda. Isa siyang mahirap na peryodista. Kapansin ang pagiging makasarili ni delfin sa nobela, dahil ng gusto ng kanyang asawa ay tutol ito• FELIPE – siya ay anak-mayaman; radikal bagamat tipong anarkista. • MENI – siya ay nakatakdang ikasal kay Delfin na anak ng isang pinakamayaman sa Maynila. • TENTAY – minamahal siya ni Felipe. Siya ay isang babaeng mahiyain at anak siya ng isang manggagawa.
GALAW NG PANGYAYARI
Dahil nga sa pagkamuhi sa nakagisnang buhay bilang mayaman at anak ng isang marahas na may-salapi, nilisan ni Felipe ang tahanan ng kaniyang ama para mamuhay bilang kaisa ng mga maralita. Iniwan niya ang marangyang pamumuhay upang makasama ang mga karaniwang uri ng mga mamamayan ng lipunan. Nakitira si Felipe sa tahanan ng isang amain sa kumpil sa Maynila. Subalit kinamuhian din niya ang amaing si Don Ramon dahil wala itong pinagkaiba sa kaniyang ama: mayaman din at malupit sa mga tauhan nito. Umibig si Felipe kay Tentay, isang babaeng mahirap subalit may dangal. Pinilit si Felipe ng kaniyang ama na magbalik sa kanilang kabahayan sa bayan ng Silangan, ngunit napalayas lamang dahil sa pagtuturo ni Felipe sa mga tauhang magbubukid at utusan sa bahay ng kanilang mga likas na karapatan bilang tao.
May tatlong anak si Don Ramon, na amain ni Felipe, at inibig ni Delfin ang isa sa mga ito. Nang magbunga at magdalang tao si Meni, itinakwil ito ni Don Ramon. Sumama si Meni sa kasintahang si Delfin at namuhay bilang isang mahirap. Dahil sa ginawang ito ni Meni, nilisan ni Don Ramon ang bansang Pilipinas, kasama ang isang tinatangkilik at kinakasamang katulong sa bahay. Napatay si Don Ramon habang nasa New York, kaya't binalik ang kaniyang bangkay sa Pilipinas. Si Ruperto, ang dating nawawalang kapatid ni Tentay, ang nagbunyag ng dahilan kung bakit pinaslang si Don Ramon: ang kalupitan nito sa kaniyang mga utusan. Nagtapos ang nobela sa pagpapaiwan nina Felipe at Delfin sa may puntod ni Don Ramon. Pinagusapan nila ang kanilang mga adhikain, paniniwala at paninindigang panlipunan. Nilisan nila ang libingan na sinasalubong ang kadiliman at kalaliman ng gabi.
IV. PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN
A. KALAGAYANG SOSYAL
Pina pakita sa nobela ang kalagayan ng lipunan magpasa hanggang ngayon ay nangyayari, mapapansin natin sa nobela si don Ramon na napaka gahaman sa kanyang ari Arian maging kanyang anak ay itinakwil. Hindi natin maikakaila na Hanggang ngayon ay Merong mga tao ang ganyan sa ating lipunan.
B. KULTURANG PILIPINO
Sa nobelang banaag at sikat ito nasa kapanahunan ng kastila, kung Kaya ang tradisyon nating mga Pilipino na nakuha sa kanila may mga iilan tayong nakagisnan na. Dahil sa pananakop ng kastila sa atin nariyan ang relihiyon na kalaunan ay tinangkilik na natin.
Mapapansin din sa kwentong ito na si Delfin ay mapagmahal sa sariling sa bansa, Kaya naman ito ay nag sisilbing kultura sa ating bansa ang pagmamahal sa ating bansa, katulad ni Delfin ginawa niya ang lahat Para sa ikakaunlad ng ating bansa.
C. PILOSOPIYANG PILIPINO
Sa nobela ay ang posibilidad posibilidad na malawakang pagbabago sa lipunan, at ang pagbabagong ito ay may kaugnayan sa distribusyon ng kayamanan, oportunidad, at kapangyarihan.
D. SIMBOLISMONG PILIPINO
Sinisimbolo ni Delfin ang pagiging makasarli na asawa, dahil sa gitna ng kanilang kagipitan wala siyang pakialam kung maghirap man Silang tuluyan. Gusto niya siya lagi ang Tama sa kanilang mag asawa.
V. PAMPANITIKANG PAGTALAKAY
A. PANLIPUNAN
Isang mahalagang nobela sa panitikan ng Filipinas ang Banáag at Síkat ni Lope K. Santos at nalathala noong 1906. Kinikilála itong unang katha sa Filipinas na tumalakay sa problemang Sosyalista kaya itinuring ng isang kritiko na “Bibliya ng mga manggagawang Filipino.
B. PANG MORAL
Sa nobelang makikita ang pagiging imoral ni don Ramon, dahil sa kabila ng kanyang pagiging ama, sa kanyang anak inalisan niya ng karapatan sa kanyang ari arian ang kanyang, dahil lamang sa umibig ito sa isang walang marangyang buhay.
C. PANG ARKETIPO
Sa akdang ito mapapansin pa lamang natin sa pamagat ang pagiging literal nito. Ipinapakita sa nobela ang mga nangyayari ngayon sa kasalukuyan. Tulad na lamang ni Don Ramon na Sakim sa kayamanan. Gayundin sa kasalukuyan, sa politika hindi maitatanggi ng mga nakaupo na kaya sila nasa politika ay Para sa kanilang paglago. Sa panahon ngayon mabubuhay na tayo sa pamamagitan ng pera.
D. PANG SIKOLOHIKAL AT SOSYOLOHIKAL
SOSYOLOHIKAL
Sa Suliraning mambabasa makikita dito pamumuhay nilang mag asawa na hindi nagpapakita ng respito sa kanyang kabiyak.
SIKOLOHIKAL
Tungkol sa buhay ng magkaibigang sina Delfin at Felipe na mayroong magkatulad na naisin ngunit may kakaibang paraan upang maipatupad ang nais. Si Delfin ay kilala bilang isang sosyalista na naghahangad na magpalaganap ng konsepto ng sosyalismo sa lipunan. Nais niyang maging dominante ang mga mahihirap sa iba’t ibang gawain ng kabuhayan ang mga mamamayang maralita tulad ng pangangalakal, pagnenegosyo, at pagkakaroon ng pag-aari.
VI. TEORYANG PAMPANITIKAN
Ang angkop na teoryang pampanitikan sa nobelang baag at sikat ay realismo, sapagkat kakikitaan ito ng tunay na pangyayari sa lipunan. Ang mayaman lang ang may kakayahang magpairal ng kapangyarihan at ang mga mahihirap ay ang syang naaapi. Ipinapakita bahaging ito ang pakikipaglaban ng karapatan ng bawat indibidwal, lalo na sa mahihirap. Dapat sa isang lipunan, pinapairal ang batas na magiging batayan ng pagkakapantay pantay ng karapatan ng mga tao.
VII. IMPLIKASYON
A. KALAGAYANG PANLIPUNAN O PAMBANSA
Ang tinutukoy na “Banaag at Sikat” sa nobela ay ang posibilidad ng malawakang pagbabago sa lipunan, at ang pagbabagong ito ay may kaugnayan sa distribusyon ng kayamanan, oportunidad, at kapangyarihan. Maaaring munting sinag mula sa malayo ang nakikita ni Santos noon, at siyang ipinaloob niya sa diwa nina Delfin at Felipe na inaasahang magpapasa rin ng gayong diwain sa kani-kaniyang anak. Ang ipinunlang kaisipan ng awtor ay masasabing napapanahon na, at sumisikat na sa kaisipan ng bagong henerasyong nasa alaala na lamang ang gaya ng Colorum at HUKBALAHAP sa harap ng Bagong Hukbong Bayan at Bangsamoro. Gayunman, makabubuting magbasa muna ng aklat, at basahing muli ang Banaag at Sikat, nang matiyak nga kung anong silakbo ang iniwan ni Lope K. Santos sa kaniyang mga kapanahong manunulat at siyang umaalingawngaw pa rin magpahangga ngayon sa ating piling.
B. KALAGAYANG PANSARILI
Hindi na nawawala ang implikasyon sa mga mambabasa. Tulad ni Delfin hindi man siya naging mabuti bilang asawa mas malaki naman ang ambag niya sa ating lipunan.
Comments
Post a Comment