Posts

Showing posts from September, 2022

INAY

Image
"INAY" Opo, inay ikaw ang kawangis na nagsilbing puting binhi, iyong kagawan ay hindi katumbas ng makapangyahirang hari. Ikaw inay ay may katangi-tanging simpling ngiti, Hindi mawawala ang matamis mong paghawi sa buhok kung tabingi, Bagkus sa maganda at makinis , gusto ang paligid ay malinis, Hindi lang sa tabi pati sa katawan kaya't pati hangad sa buhay kabutihan. Kay talino't matipid, Tumayong matibay ang dibdib dahil sa nagsilbi kang ama ng haliging walang bahid ng maduming bibig. Ikaw ay kapuri-puri at dapat ingatan ang ginto't pilak ay kasing kinang ng iyong kabutihan, Kahit hirap sa buhay maiahon lang kami sa kanyang karapatan.

HIYANG IKAW LANG

Image
 HIYANG IKAW LANG. Isa dalawa tatlo apat lima tsa Nung ako'y nagbilang sa harapan Ng isang taong diko kakalimutan Buong taon , araw at hapon Di nahiya, di nagmakaawa ako'y lumuhod  Baon ang bayag at tigas ng tuhod Saba'y tingala habang nadarapa Nag ayos, nag sumikap, nag mahal upang ipamuka ang aking hiya Sa duloy kapos, sa unay tapos  Sa ikalway nakagapos, Sa ikatloy Nag pukos sa limay tumayo, sa tsa ay tinabla ang mga kahirapang pinamuka ng aking hiya Kaya ngayo'y ikaw ang dulo at simula Hindi kataposan, kundi ating sisimulan  Ang daan, Ang tahanan , Ang ating pagmamahalan tungo sa karapatang  Hinaharap ng ating pinagsumikapan.

ANAK AKO

Image

AKO AT AKING AWIT

Image
  Don't wake me, Im not dreaming ( sa Kantang past live ng - Sapientdream) Ang hirap mangarap kahit ikaw ay makatulog ng maayos sa araw-araw gaya ng linyang ito. Itong linya na ito'y nagpapahiwatig ng katotohanan sa buhay na kahit ikaw ay pumikit dimo malalamapasan ang mga problema at mga parating na pagsubok, Nagpapakita ng kapaguran sa buhay. Dito wala kang maitatago dahil  kahit na managinip ka sa gusto mongyari ay wala kang mapapala kahit anong pilit mong makuha ang lahat himdi mopa rin makukuha, Oo libre mangarap pero mahirap matulog lang nang puro pangarap, mabuti na yung  gising ka habang nangangarap doon muna nakikita yung katotohanan mo sa sarili mo at ng iba na nasa paligid mo.

PINAGPALA

Image
Ano nga ba ang pinagpala?,  Sino nga ba ang pinagpala?, Ito ba ay sadyang natatamasa o pinaghihirapang makuha? pinagpapala nga ba tayong lahat?. Maraming umiikot saking kaisipan kung sino nga ba, tayo nga ba, tayong lahat o ikaw. Oo parehas lang tayo pinagpapala may problema man o wala tayo'y pinagpapala dahil hindi lahat ng problema ay masama at hindi rin lahat ng karma ay mabuti, pinagpapala tayo palagi sa ating pag gising dahil nakikita parin natin ang kagandahan ng mundo at tahanan sa ating kapaligiran, pinagpala ka at nabuhay ka sa at ng walang deperensya, pinagpala dahil kahit meron sayong kakaibang kalagayan ay natatamo ang mga kaibigan na tanggap ka, pinagpala ka kahit na dika nakakakita ay itoy nalalaman mo sayong pandinig, Oo pinagpala tayo sa mundong ito dahil kahit papaano bumabangon at bumabangon ka sa bawat araw na hindi ka handa.