Magnifico
Directed by: Maryo J. de los Reyes
Written by: Michiko Yamamoto
Produced by: Liza Guerzon Doria
Beth Guiwa
Michael C. Sevilla
Philip C. Sevilla
Violeta C. Sevilla
Starring: Jiro Manio - Magnifico; Pikoy
Albert Martinez - Geraldo
Lorna Tolentino - Edna
Gloria Romero - Lola
Danilo Barrios - Miong
Cecilia Rodriguez - Mrs. Doring
Isabel de Leon - Helen
Girlie Sevilla- Isang
Joseph Robles - Carlo
Mark Gil- Domeng
Cherry Pie Picache- Cristy
Amy Austria- Tessie
Tonton Gutierrez- Mr. Romy
Susan Africa - Pracing
Dindin Liarina- Ria
Allyson Gonzales- Makoy
Music by: Lutgardo Labad
Cinematography: Odyssey Flores
Edited by: Manet A. Dayrit
Production design: Gerry Santos
Art Direction: Manet A. Dayrit
Make up Department: Henry Ranas
Christopher Sunio
Noli Villalobos
Production Management: Danilo Nazareth
Sound Department: Aurel Claro Bilbao
Lamberto Casas Jr.
Danilo Cruz
Camera and Electrical Department: Rey Adriano
Bonny Aleta
Rodolfo Amandy Jr.
Editorial Department: Medy Andina
May Katherine G. Ariola
Pacita Austria
Evalyn Canapi
II. Pamagat
Ang "Magnigfico" ay isang drama-trahedya na pelikula na gawang pinoy. Ang pamagat nito ay tumutugon sa pangunahing tauhan sa pelikula, isang batamg musmus na namulat ang isipan dahil sa kahirapan. Pangunahing paksa nito ay ang payak na pamumuhay, mga pasanin at mga dagok sa buhay na karaniwang kinakaharap ng bawat pamilyang Pilipino. Umiikot ang istorya sa kamunduhan ng kahirapang nararanasan ng isang ordinaryong tao, ang mga pagsisikap, tagumpay at kabutihang loob. Ito ay isang pelikulang sumasalamin ng pag asa. Na sa gitna ng patong-patong na problema ay magagawa pa rin itong sulosyunan sa simpleng paraan at sa abot ng makakaya.
III. Karakterisasyon at Pagganap
A. Pangunahing Tauhan
Jiro Manio - Magnifico; Pikoy
Ang bida sa kwento. Isang batang mabait, matulungin, masunurin at higit sa lahat mapagmahal sa kanyang pamilya, sa murang edad namulat agad sa kahirapan. Mahilig magtanong si pikoy at pinaghahandaan na rin nito ang burol ng kaniyang Lola. Nag ipon ito upang matustusan ang pagburol ng kaniyang lola, ngunit sa huli ay si pikoy ang namatay.
B. Katuwang na tauhan
Albert Martinez - Geraldo
Ang ama ni Pikoy na isang Karpintero. Labis itong nalungkot ng Umuwi si Miong dahil Wala na itong scholarship. Mapagmahal ito sa kaniyang pamilya.
Lorna Tolentino - Edna
Ang Ina ni Pikoy na nagbuburda, Simula ng maaksidente ang biyenan nito ay nasangla nito ang alahas ngunit sa huli ay nakuha rin dahil sa abuloy na nakuha mula kay Pikoy.
Gloria Romero - Lola Magda
Ang Lola ni Pikoy na may Stomach Cancer at Diabetes. Simula ng ito ay mahulog sa bubong ay unti unting humina ang katawan nito, Gusto na nito mamamatay at hinanda na rin ni pikoy ang mga kakailangan nito sa burol ngunit sa huli si pikoy ang namatay at lumakas ng paunti-unti si lola magda.
Danilo Barrios - Miong
Ang panganay sa magkakapatid na natanggalan ng Scholarship, kaya't umuwi ito sa probinsya upang magtrabaho para tumulong nalang sa pamilya. Niligawan nito si Isang anak ng pinagtatrabahuhan ng kanyang ama. Sa una ay nais lang nitong gamitin si Isang upang yumaman ngunit sa huli ay tuluyan na itong nahulog at nagpatuloy ulit sa pag aaral.
Cecilia Rodriguez - Mrs. Doring
Namatayan ng pamilya dahil sa sunog. Muntik na magbikti gamit ang alimbre kaya nagkasakit ito sa lalamunan. Tinutulugan ito ni pikoy ng gamot sa lalamunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng gamot.
Isabel de Leon - Helen
Ang bunso sa magkakapatid na may Cerebral Palsy.
Tonton Gutierrez- Mr. Romy
Isang may-ari ng pagawaan ng gamit. Ama ni Isang, Malaki ang respeto nito at mabait sa pamilya ni Pikoy. Tutol ito sa pagmamahalan ng anak na si Isang at Miong.
Girlie Sevilla- Isang
Nililigawan ni Miong, anak ng may ari ng pinagtatrabahuhan ni ama ni Miong. Nahulog na din ito kay Miong, ngunit sa huli ay nalaman nuto ang rason na tunay na miong kung bat sya niligawan. Kayat nagpasya ito tumuloy ng tuluyan sa Maynila upang don mag aral.
Mark Gil- Domeng
Isang bus driver, May gusto rito si Cristy dito, Simula ng mamamatay ang nanay nito naging malungkutin na ito, Dito rin gusto bumili ni Pikoy nang wheelchair para sa kapatid niyang may sakit.
Cherry Pie Picache- Cristy
Isang dalaga at may-ari ng sari sari store. May gusto ito kay Domeng ngunit balewala lamang ito kay Domeng. Malapit ito kay Pikoy
Amy Austria- Tessie
Si Tessie ay isang magsusugal, at lagi itong galit kay Cristy dahil nagkukwento daw ito ng mali. Ngunit sa huli ay nagkaayos din sila. Malapit din ito kay Pikoy
Susan Africa - Pracing
Tindera ng mga pagkain, Ina ni Makoy. Isang mapagbigay at mabait na Ina sa anak.
Allyson Gonzales- Makoy
Kaibigan ni Pikoy, laging nandyan kay Pikoy upang tumulong.
IV. Uri ng Genre ng Pelikula
- Drama
-Family
V. Tema o Paksa ng akda
Ang pelikulang Magnifico ay tungkol sa buhay ng isang batang musmos na namulat ang isipan dahil sa kahirapan. Inilarawan dito ang mga pagsisikap at tagumapay, kabutihang loob, bawat pagmulat ng kanyang mata sa mga bawat bagong umagang darating sa kanya at lalong-lalo na ang mga pagbabagong naganap noong kamatayan niya.
VI. Sinematograpiya
Ang anggulo nito ay nasa ayos at maganda ang mga kuha upang maging makatotohanan. Ang kalinawan nito sa bawat senaryo ay napakasimple at napakadramatic. Kitang-kita ang lahat ng pagkilos at ang mga bagay na maaring magpagalaw ng pelikula sa paraang makatotohanan at may sistema.
VII. Paglalapat ng Tunog at Musika
Maganda ang nilapat na tunog kapag ang bida ay umiiyak naging angkop ang tunog nito at naging nakakaiyak. Maganda at mahusay ang musika nito. Bumagay ito sa genre ng pelikula. Si Lutgardo Labad ang naglaga’y ng mga sound effect na pakasimple at dramatic ang mga nilagay niyang tunog.
VIII. Editing
Angkop ito sa bawat panahon. Maayos na nailahad ng editor ang nilalaman ng istoryang ito at napakadramatic ng pelikulang ito. Kung susuriin ang iba pang pelikula, ito na ata ang pinaka malungkot na pelikulang Pilipinong maaaring magpaantig ng puso ninoman. Iba’t ibang estilo ang ginamit sa bawat eksena. Naka depende kasi ito sa mga nangyayari sa kwento. Pero ang pinakaginamit ay ang pagiging payak at maliwanag na estilo. Detalyado at naging mahusay ang director sa pagpili at pagsipi sa kung anu-ano ang kinakailangan sa pelikula. Marami ring tayutay ang ginamit upang makadagdag ng kabuluhan sa bawat dayalogo ng mga karakter.
IX. Production Design
A. Ang lokasyon ng pelikulang ito ay sa probinsya kung saan pinapakita ang buhay ng isang tao na pinipilit solusyunan ang bawat problema na kinakaharap. Bawat gamit na ginamit sa pelikulang ito ay makatotohanan at sapat na upang mapakita ang nais iparating. Nakatulong ang tagpo, panahon at lugar upang mailarawan ng maayos ang kwento. Dahil dito nabigyang kahulugan kung anong estado ng buhay meron ang mga tauhan.
B. Angkop at bumabagay sa kwento ang kasuotang ginamit. Simple pero tugma sa tema ng pelikula. Angkop sa panahon ang bawat kasuotang ginagamit. Sa paraang maayos at naktitipid, tama lang ang mga gamit na ginamit. Sadyang kapansin-pansin dahil sa pagkakalarawan ng kwento.
X. Direksyon
Sa direksyon ni Maryo J. de los Reyes isang batikang director at isa rin sa mga award winning’s at nominado sa iba’t ibang parangal. Maayos at maganda ang pagkakadirek niya sa pelikulang ito. Napakaepektib ng ginawa niya at nagging makatotohanan at sobrang nakakaiyak ang istoryang ito. Kaya masasabi kong isa ito sa pinakamagandang drama na aking napanood. Dahil sa ganda at maayos na kinalabasan ng pelikula ito masasabi kong 5/5 ang direksyon nito.
XI. Buod o Synopsis
Si Magnifico ay lumaki sa mahirap na pamilya. Kahit bata pa lang siya ay tinutulungan niya ang mga may nangangailangan. Tumutulong siya sa kanyang pamilya tulad ng pag-aalaga sa kanyang lola at kapatid na may sakit. Dahil sa kahirapan ng kanilang pamilya, naging malaking problema sa kanila ang pagkakaroon ng sakit ng kanyang lola. May taning na rin ang buhay ng kanyang lola, kaya sa pagnanais niyang makatulong sa kanyang pamilya gumawa siya ng paraan upang paghandaan ang burol ng kanyang lola. Siya ang gumawa ng kabaong at siya ang naghanda ng kasuotan kapag namatay na ang kanyang lola na may taning na ang buhay. Sinikap niyang tugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya tulad ng kanyang kapatid na babae na pinapasan niya sa likod at ang nakatatandang kapatid na natanggalan ng iskolarship. Marami ang natulungan ni Magnifico tulad nila Ka Doring na galit na galit sa mundo at sina Cristy at Fracing na may tampuhan ngunit sa huli ay nagbati rin. Punumpuno ng kabutihan si Magnifico. Ngunit sa kasawiang-palad ay nahagip siya ng isang sasakyan dahil sa pagliligtas niya kay Domeng. Ito ang naging dahilan ng kanyang maagang kamatayan. Maraming tao ang nakiramay sa pagkamatay ni Magnifico. Ang paghahandang burol para sa kanyang lola ay gimanit para sa kanyang pagpanaw. Ang kabutihan ni Magnifico ay mananatili sa puso at isip ng mga taong kanyang natulungan at nakasama.
XII. Kuwento
Simple at angkop na angkop sa pelikula na siyan nagpaganda ng kinalabasan ng dramang ito dahil halos lahat ay bumagay sa tema. Napagukulan din ito ng pansin kaya gumanda ang pelikulang ito dahil din sa set o sa lugar na ginawa ang pelikulang ito. Tunay na kahanga-hanga ang pelikulang ito. Naging isa sa mga magandang pelikulang nabigayan rin ng pansin hanggang sa ibang bansa. Ang ilaw ay may pagkamadilim. Sumisimbolo rin ito sa kahirapang angkop at nararapat sa kwento.
XIII. Mga Kasipan o Aral ng Pelikula
Ang pelikulang ito’y pumapaloob tungkol sa pagkamulat ng isipan ng isang musmos na bata. Ipinapakita dito ang mga pagsubok na dinaraanan niya sa buhay ng kahirapan .Pinapakita rin ang mga totoong nangyayari sa buhay ng isang tao. Mayaman man o mahirap, bata man o matanda. Pati narin ang kabusilakan ng puso sa pagtulong at mamagandang loob ay hindi natatawaran ng anuman bagay.
XV. Konklusyon at Rekomendasyon
Konklusyon:
Ang kuwento ay makatotohanan at maraming aral na mahihinuha. Ang simula tanawin ng kuwento ay ang hindi tunay na mapang-akit sa lahat ng kaya isa pasensya na kailangan upang makakuha ng attracted sa kanyang masamang balak. Ang mga tanawin ay simple ngunit sila ay paghawak minsan kuwento ang gears sa isang dulo. Sa pelikula, walang character ay upang managhoy o sigaw na mahuli ang mga manonood 'emosyon, ang katotohanan at katapatan ng pelikulang ito ay tuwirang at makapukaw-damdamin na kuwento ng mga pwersang lang sa inyo na sigaw sa ilang mga punto.ito tunay ay makabagbag-damdamin.
Rekomendasyon:
Matapos ang isinagawang pagsusuri at pag-aaral sa ikauunlad ng pananaliksik tungkol sa pelikula, iminumungkahi ang mga sumusunod:
Mairerekomenda rin ito sa mga taong mahilig sa tragic story ngunit sa pelikulang ito ay may mapupulot na aral.
Sana ay mas pinagtuunan ang pagpapahalaga sa edukasyon upang maging maayos ang kanilang buhay at maalis sa kahirapan.
Dapat rin na ipinakita ang pagpapahalaga sa tao hanggat nariyan pa.
Inayos rin sana ang paglapat ng tunog sa bawat eksena dahil minsan ay malakas ang echo ng mga boses.
Sana ay nabigyan ng remastered ang pelikula, upang hindi mahirapan ang mga mag aatal na manuod, dahil nakakaapekto ang kalumaan ng pelikula sa pananaliksik nito.
Comments
Post a Comment