PAGPAPAUBAYA


"Pagpapaubaya"

"P-A-U-B-A-Y-A"
"Pito! pitong letra! salitang paubaya na kinanta ni Moira"
"Salitang di malilimutan ng mga taong pinaubaya kanilang mga nagsisilbing pahinga"
"Iniisip na ano bang kulang sakin? kaya bakit nawala ka na saking mga pahina"

"Pinagtagpo! pero hindi tinadhana!"
"Tama ba? tama ba na nakatadhana sya sa iba?"
"Masakit para sayo! ngunit ikasasaya nya"
"Kaya't ang kailangan mong gawin ay ang salitang tama na."

"Itigil mo na, pag alam mong hindi na ikaw"
"Ipaubaya mo na pag alam mong iba na ang galaw"
"Dahil masasaktan ka lang ng paulit ulit"
"Alam kong tumatawa ka kahit sobra ng sakit"

"Para sa bago nya, ingatan mo sya ha"
"Ingatan mo sya sa paraang pag-aalaga ko sa kanya"
"Wag mo syang sasaktan na parang isang bata lamang"
"Kase kahit hindi na ako, handa akong ipaubaya sya sayo"

"Ikasasakit ko ,basta ikasasaya mo"
" Laging game lang ako"
"Para sayo at para sa bago mo"
"Ang swerte nyo, magpakatatag kayo"

Comments